Abante Tonite Interactive

Pauline, Jeric split na

856

Nag-react ang Kapuso aktres na si Pauline Mendoza sa balitang break-up nila ni Jeric Gonzales.

Nag-PM sa amin si Pauline at ayon sa young actress, natawa at nagulat siya nang may isang fan na nag-send sa kanya ng link ukol sa naturang balita.

“Noong nakita ko po yung article to be honest, natawa lang po ako and nagulat po ako,” panimula niya.

“Unang-una po, again sa paulit-ulit ng tanong sa akin… Jeric and I are good friends. We’ve known each other matagal na, sa workshops pa noon magkasama na kami ni Jeric and super-super close ko po siya talaga. And sana wish ko po na last na ‘tong issue about us. Kasi di ba, wala naman talaga or kung magkakaroon man, wait na lang kayo kami po mismo magsasabi, char! Hahaha, joke lang po!

“Pero yun nga po, if ang daming issues na kami raw or break na kami, sa amin parang no need naman malaman, we’re good and nandito kami sa isat isa. Alam niya ‘yun na support lang sa career niya o sa akin, yun lang. Chill lang, walang seryosohan.

“Kung makita man na magkasama kami, so what? Hahaha! We all have rights and freedom to live in this world.”

Bakit siya may mga hugot sa Twitter?

“Ano masama roon? Ang daming naghuhugot ngayon po sa social media, hahaha!!
“So yun lang po, walang ibang meaning lalo na’t walang kinalaman sa amin ni Jeric o nino man.

“Let’s live our own life na lang. Kami ni Jeric, we know the truth,” ani Pau. (Nonie­ Nicasio)