Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauline magba- vlog na rin

0 327

Bida man sa sipaan si two-time Southeast Asian Games taekwondo gold medalist Pauline Louise Lopez, may isa pang talentong pinasok siya – ang pagba-vlog.

Inanunsyo ng 23-anyos at may taas na 5-5 na dalaga sa kanyang Instagram story kahapon na dahil sa kawalan pa niya ng mga ganap sa pagsipa, gagawa na siya ng YouTube channel.

“Hi guys, Pauline here! So I decided to to create a YouTube channel because I have so much free time,” litanya ng Asian Games bronze winner.

Related Posts

Paraan din aniya ito na madagdagan ang plataporma niya sa social media at mas makahalubilo ang kanyang mga follower.

“Also I just wanted to create a virtual save space where we can uplift each other and have a good time so stay tuned and see you guys later,” panapos ng Korean martial art black belter.

Asahan na ang paglabas ng video ni Lopez ngayong buwan dahil sa pahapyaw pang ‘this coming August’. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.