Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauline werpa pang-olympics

0 289

Nalagay sa alanganin ang pangarap ni Pauline Louise Lopez na sumipa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan dahil sa pag-atake ng coronavirus sa buong mundo.

Pero hindi pinanghinaan ng loob ang 24-year-old, 5-foot-5 national taekwondo athlete, kahit nag-iisa’y nanatili sa bansa at isinantabi muna ang planong pag-uwi sa Los Angeles para makasama ang pamilya.

Ayon kamakalawa sa jin, kailangan niyang maging handa anumang oras na payagan na silang makapag-ensayo at lumahok sa mga Olympic qualifying tournament para sa susunod na taong quadrennial sportsfest.

“I have to be ready for when it all resumes,” ani Lopez sa isang website.

Nagbalak bumalik ng Amerika para sa pamilya noong Marso ang atleta. Pero inabot ng community quarantine dahil sa COVID-19.

At dahil hindi nanatili rito, nag-enroll si Lopez ng BS psychology course sa Ateneo de Manila University.

Pinangwakas na wika ng two-time Southeast Asian Games champion, na malaking sakripisyo ang kanyang ginagawa pero para sa bayan ay kailangan lampasan.

Kasalukuyang nag e-ensayo si Lopez sa isang bakanteng opisina na inihanda ng kanyang manager. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.