Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauline binilad alindog sa pool

0 389

Matapos ang nakakapagod na ensayo, ibinabad ni 30th Southeast Asian Games PH 2019 taekwondo gold medalist Pauline Louise Lopez ang kanyang pagod na katawan para ma-relax sa swimming pool.

Tila nag-sun bathing sa paglalagay ng emoji na sikat ng araw, pinost ng 23-taong-gulang may taas na 5-5 ang litrato noong Linggo sa Twitter at Instagram accounts niya na litaw ang alindog hubog, pagpapatunay na handa sa pakikipaglaban magpatuloy lang uli ang mga natigila na Olympic Qualifying Tournament.

Hindi tumitigil sa training ang isa sa 2021 Tokyo Olympic medal hopeful ng bansa kahit mga na-stop ang mga local at international competition na sanhi ng COVID-19. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.