Abante Tonite Interactive

Pauline naipit sa giyerang Bianca, Kyline

By
857

Matapang na sinagot ni Pauline Mendoza ang lahat ng tanong sa kanya kahapon, August 29 sa pag-guest niya sa Tambayan ng Tsika online show ng Abante Tonite kasama kami at sina katotong Roldan Castro at Beth Gelena.

Matapos bumunot ng tanong na sasagutin niya, sinabi ni Pauline na, “Eto, feeling ko ay maraming gustong makaalam sa sagot na ito, eh.”

Unang tanong na binasa at sinagot niya ay: May galit ka ba kay Kyline or nai-insecure ka dahil mas malaking factor ang presence ni Kyline sa ‘Kambal Karibal’?

Abante Hiring – IT dep

Tugon ng 18 years old na Kapuso actress, “Wala po akong galit kay Kyline, sa lahat po nang nag-iisip kung may galit po or may problema kami ni Kyline, wala po,” esplika ni Pau (nickname ni Pauline).

Patuloy pa niya, “hindi po ako nai-insecure kasi alam ko po na may kanya-kanya po kaming talento na maipapakita sa Kambal.

“And ako po sinasabi ko na sobrang galing po ni Kyline at talented po talaga ang batang iyon.”

Ang isa pa sa sinagot at nilinaw ni Pau ay ang bintang na siya ang nag-upload ng video na makikitang nagbato-bato pick sina Kyline at Miguel Tanfelix, narinig daw kasi ang boses niya, tapos ay binura niya rin ang video. Ito umano ang dahilan ng pagseselos ni Bianca kina Miguel at Kyline.
“Nakita ko po ito, I can say na hindi po sa akin galing ‘yung video. And ‘yung location po namin ay sa UP Arboretum, sobrang dami po ng tao roon.
“Siguro noong mga times na ‘yun na nandoon ako, so, possible talaga na marinig ang boses ko. So, hindi ko alam kung sinakto rin ‘yung pagvi-video, who knows po, eh?
“And binura ko po siya?” Sagot-tanong ni Pau. “Hindi ko po siya in-upload (kaya hindi ko puwedeng burahin), so, hindi ko po alam kung sino ang nag-upload.”
May pakiusap pa si Pau sa mga nagja-judge sa kanya. “Kanya-kanya rin po talaga ng stories, pero sana ay wala na lang mangja-judge. Kasi hindi rin nila alam ‘yung stories ng both sides, story ko, story ni Kyline, story ni Bianca, story ni Miguel… basta okay po kaming lahat.”
Anyway, mula nang nagtapos ang teleserye nilang ‘Kambal Karibal’, naging sunod-sunod ang mga guesting ni Pau. Katatapos niya lang sa ‘Wish Ko Lang’, at mapapanood din si Pau sa ‘AHA’, ‘Mars’, ‘Maynila’, at ‘Imbestigador’.