Abante Tonite Interactive

Pauline online teacher sa mga bata

362

NAKA-QUARANTINE sa mga bahay, may pagkakataon pa rin ang mga kabataan na mag-ehersisyo kasama ang ilan sa pinaka-astig na atleta ng bansa.

Ihahatid ng Milo ang latest edition ng Milo Champion IG Live sa April 8 ng 10 am at 3 pm, 1-hour training sessions para manatiling aktibo kahit nasa mga bahay-bahay dahil sa coronavirus.

Tuturuan ni SEAG gold medalist Pauline Lopez ang mga bata ng basic taekwondo routines, ibabahagi ni six-time National Milo Marathon winner at 2016 Olympian Mary Joy Tabal ang running exercises.

Sa parehong slots sa April 15, ipapakita ng magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano ang basic at fundamental basketball moves. Magpapakita rin si coach Rio de la Cruz ng simpleng drills ng running.

Bawat IG Live session ay uumpisahan sa 60-second demo videos ng personal training practices via Milo Champion Minute.

Para makasali, sundan ang mga nabanggit sa @pauweenie (Pauline), @maryjoytabalofficial (Mary Joy), @jaungdl9 (Juan), @javigdl22 (Javi) at @coach_rio316 (coach Rio). (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad