Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauline ready na sa giyera

0 406

NI: ROLDAN CASTRO

Palaban na si Pauline Mendoza sa mga umapi sa kanya. Kaabang-abang at mas intense ang kaganapan sa pinagbibidahan niyang GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’

Sa recent episode ay natuklasan na ni Victor (John Estrada) na planado ang pagkidnap kina Iris (Pauline Mendoza) at Trina (Liezel Lopez) kaya ganoon na lang ang tindi ng galit nito kay Dulce (Carmina Villarroel) na kasabwat sa planong ito.

SM food to go Banner Ad

Mas titindi pa ang mga eksena dahil sinadya ni Dulce na maaksidente si Victor na naging dahilan ng pagka-comatose nito.

Kuwento ni Pauline ay simula pa lang ito ng mas exciting na banggaan ni Iris kontra sa tandem ng mag-inang Dulce at Trina. “Doon na mag-i-start ‘yung labanan ng characters nina Iris, Trina, at Dulce. Doon na talaga iikot ‘yung istorya kung paano nila makukuha si Victor. I’m very excited na mapanood ng mga viewers natin yan,” ani pa ng aktres.

Tutukan ang mga susunod na hakbang ni Iris para mabawi ang lahat nang kinuha sa kanya sa “Babawiin Ko Ang Lahat,” weekdays, sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.