Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauline susubok uli sa korona

0 103

Sa ikatlong pagkakataon sa anim na linggo, hangad ni Pauline del Rosario na mapasakamay ang ikalawang titulo sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 8th leg $50K Bella Vista Classic na nakatakdang magbukas Miyerkoles (Huwebes sa Maynila) sa BV Village Country Club sa Arkansas.

Sa binyag sa WAPT nong May 5-7, tumesera ang 22-anyos na Pinay shotmaker sa Mountain Ranch Championship sa AR din, at nagreyna sa WLN Central Arkansas Open nu’ng May 12-14.

SM food to go Banner Ad

Tumabla naman siya sa ikaapat at sa ika-10 puwesto pagkaraan sa Oscar William Classic sa Texas nitong June 8-11 at sa June 15-18 na Kathy Whitworth Paris Championship.

Leave A Reply

Your email address will not be published.