Abante Tonite Interactive

Pauline wish makatrabaho si Marian Rivera

By
787

Ipinahayag ng Kapuso teenstar na si Pauline Mendoza ang kagalakan at pasasalamat dahil sa magandang pag-aalaga sa kanya ng GMA-7.

Saad ni Pauline sa ‘Tambayan ng Tsika’, online show ng Abante Tonite, “Happy po, kasi ‘di naman po ako nawawalan ng mga projects. Lahat po ng nagawa kong projects is puro primetime po and sa ngayon po ‘di naman ako nawawalan ng mga guestings hanggang naghihintay po sa panibagong projects, kaya blessed and happy po ako sa team Boss Vic del Rosario and handler ko pong si Ms. Molly La­sic, feel ko po ‘yung love and alaga nila sa akin sa GMA-7 network.”

Si Pauline ay nagsimula bilang commercial model nang siya ay three years old pa lang. Unang project niya sa GMA-7 ang ‘Little Nanay’ na sinundan ng ‘That’s My Amboy’, ‘My Love From The Star’, ‘Alyas Robinhood-1’, at iba pa.

Pagbabalik-tanaw pa niya, “I started since I was 3 years old, bale marami po akong nagawang commercials noon, billboards, print ads, magazines. Huminto lang po ako kasi nag-focus ako sa studies ko, bumalik ako sa showbiz 15 or 16 years old na po ako.

“Bale, naging model po ako ng isang clothing brand and doon ako na-scout ng isang taga-GMA Artist Center po, ni Sir Carlos Lapira. Nag-audition po ako sa Artist Center, lahat ng auditions, nag-audition po ako. Nakapasok po ako ng GMA ng year 2015.”

Aminado si Pau (nickname ni Pauline) na pinakamalaking break niya sa showbiz ang katatapos lang na teleseryeng ‘Kambal, Karibal’ na tinampukan nila nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Bianca Umali.

“Masasabi ko pong yes, it was really a big break for me. Kasi, mas nakilala na po ako ng mga tao dahil sa ‘Kambal, Karibal’. Nag-enjoy po ako nang sobra sa serye namin. Noong cast party nga po namin, lahat kami nalungkot. And lalo na ako sobrang nalungkot talaga, kasi ang tagal po namin nagsama-sama.

“Sa totoo lang, hindi ko po talaga matanggap na tapos na kami. Kasi, kahit mga fan po ng Kambal Karibal, ayaw rin matapos iyong serye,” esplika pa niya.

It was really a big break for me. Mas nakilala na po ako ng mga tao dahil sa ‘Kambal, Karibal’. Nag-enjoy po ako nang sobra sa serye namin.

Sa totoo lang, hindi ko po talaga matanggap na tapos na kami. Kasi, kahit mga fan po ng ‘Kambal Karibal’, ayaw rin matapos iyong serye.

Lumalaban ang pamilya sa breast cancer ng ina

Sa kabila ng magandang takbo ng showbiz career niya, may mga pagsubok din na pinagdaraanan ang kanilang pamilya dahil maysakit na breast cancer ang kanyang mahal na ina. Two years ago nang ma-diagnose ito.

“Nag-chemo po siya, inalis na po ‘yung isang breast niya. Sa ngayon, naghe-herbal medicine po siya,” wika ni Pau. Pahabol pa niya, “Wish ko po na mas lalo pang ma­ging strong si mommy at gumaling na po siya.”

No boyfriend since birth

minado rin ang 18 years old na young actress na member siya ng samahang NBSB o No Boyfriend Since Birth. Pero mas gusto raw niya talagang sa kanyang career muna siya tumutok.

“Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend, mas gusto ko muna po na mag-focus sa career and stu­dies ko. And if ever po magka-BF ako, normal lang naman po ‘yun kasi dadaan din naman po ako talaga sa stage na ‘yun.

“Hindi naman po mahigpit ang parents ko about it, basta siyempre lagi po nilang paalala na mag-ingat, ala­gaan ko ang sarili ko and always have limitations. And lagi po sinasabi sa akin ng dad ko, ‘Always use your head’.”

Komportable kay Jeric Gonzales

Kung papipiliin naman siya ng ka-love team, sino kaya ang gusto niya? “Love team… hmmm? Gusto ko po siyempre ‘yung kakilala ko o medyo kilala ko at ‘yung comfortable katrabaho. Like mga naka-work ko na po, much better if close ko po eh, kagaya nila Jeric Gonzales, nakasama ko na po kasi siya sa ibang shows, guestings, and workshops, ‘tsaka close po talaga kami ni Jeric. Okay din po sina Andre Paras, Kim Last…

“Pero depende pa rin naman po sa GMA-7 and sa manager ko po, plus sa fans kung sino ang gusto nila for me,” aniya pa.

Isa pang wish ni Pau ay ang makasama sa teleserye ang idol niyang si Marian Rivera. “Wala naman po akong pinipili kung sino ang puwedeng makasama ko, kahit sino naman po puwede, wala pong problema sa akin. Nasa production and management pa rin naman po ‘yun. Pero kung may choice ako, sana makatrabaho ko sa isang TV series si Ate Yan (Marian Rivera).

“Kasi nakatrabaho ko na po si Kuya Dong (Dingdong Dantes), kaya sana po next serye, hopefully makasama ko po si Ate Yan naman. Kasi marami pong nagsasabi na sob­rang bait niya sa set, masayang katrabaho, and sobrang welcoming po niya sa mga artista. Noong nagkita po kami sa SPS, sobrang nahihiya po ako sa kanya, na-starstruck po ako dahil parang siya pa po iyong unang nag-approach and nag-‘Hi’ sa akin,” nakangiting saad pa ni Pau.

Abangan si Pauline sa ‘Maynila’ sa episode na ‘Millennial Lolas’. Kasamang guest dito ni Pauline sina Perla Bautista, Raquel Monteza, Menggie Cobarrubias, Tommy Peñaflor, at iba pa. Hosted by Rep. Lito Atienza, mapapanood ito bukas, Saturday, September 8, 9:40AM sa GMA-7.
Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Pauline sa ‘Tambayan ng Tsika’ sa Abante News Online FB page, Abante Tonite Facebook page, Abante Tonite YouTube channel at website na tnt.abante.com.ph.