Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paulit-ulit na project sa DPWH inisplika ng DBM

0 69

Sakop umano ng multi-year contracts ang `repeated’ item na nasa ilallim ng Department of Public Works and Highways’ (DPWH) proposed 2021 budget.

Ito ang paglilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa inihayag ni Senator Panfilo Lacson na kanya umanong nakita na kuwestiyonableng appropiations ng DPWH.

Ipinaliwanag ni Budget Secretary Wendel Avisado sa ginanap na briefing sa Palasyo na ito ay iyong mga big ticket projects.

“Ito po ‘yung mga big ticket projects, malalaking proyekto po. At ang ginawa ng DPWH ay ginawa niya na MYCA o multi-year contractual authority dahil kulang ang pera for this year,” paliwanag ni Avisado.

Unang sinabi ni Lacson sa isang on line interview na mayroon siyang nakita na mga proyekto sa DPWH sa ilalim ng panukalang budget para sa 2021.

Nakahanda si Avisado na ipaliwanag ang isyu sa Senado at House of Representative sa gaganaping pagdinig sa panukalang P4.506-trilyon budget para sa 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.