Abante Tonite Interactive

Paulo biktima ng ghosting

241

Ang daming naaliw sa tweet ni Paulo Avelino kahapon na hindi mo malaman kung seryoso or nagbibiro. Sa malas ay nagpaputol na ng kanyang mahabang buhok ang aktor at ikinumpara niya ito sa isang tao.

“Nakakalungkot pala pag bigla mong pinutol buhok mo na matagal mong pinahaba. Parang nung time na pinutol niya pakikipag-usap sa akin,” tweet ni Paulo at sinundan ng crying emoji.

Walang binanggit ang aktor kung sino pero siyempre, you’d assume na babae ito. Pero puwede rin kasing nagbibiro siya since maraming jokes lagi ang Kapamilya actor sa kanyang mga tweets.

At nakakaaliw din ang comments ng netizens.

“Waw ghosted HAHAHA,” komento ng isa.

“Bat kasi di mo kausapin ulit! Pwede naman!” sagot naman ng isa.

Tweet naman ng isa pa, “inaano ka ba?”

May nag-comment din na “mas nakakalungkot yun kahit kahit kailan di mo ako pinapansin.”

Ang iba naman ay nagtatanong kung sino ang nanakit at nang-ghost sa kanya.

May mga kumantiyaw din na ang drama raw ni Paulo at feeling nga ng iba ay nagbibiro lang dahil may girlfriend daw ito ngayon.

Pero hindi nagbibiro si Paulo sa pagpapaputol niya ng hair dahil sa kanyang Instagram Story ay may larawan ng buhok niya na naputol. (Vinia Vivar)