Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paulo, Charlie tagasalo nina James, Yvette

0 307

Hinayang na hinayang daw ang isang baguhang Kapuso talent dahil siya pala ang original choice para gumanap sa role ni Charlie Dizon sa award-winning Metro Manila Film Festival entry na Fan Girl.

Ang Kapuso newbie na si Yvette Sanchez ang nakapasa at napili out of 670 auditioners para sa papel ni Jane sa Fan Girl. Ito ay ayon sa kanyang manager na si Jovan dela Cruz. In fact, halos lahat ng eksena ay nagawa na nito sa praktis maliban sa pagtalon sa pool.

Pero kinailangan daw mag-back-out ni Yvette sa pelikula because of contract issues sa GMA 7 kaya ang ending, humanap ang produksyon ng makakapalit niya’t napunta na nga kay Charlie na as we all know ay nanalong Best Actress sa 46th MMFF Awards Night.

Samantala, we also heard na hindi si Paulo Avelino ang first choice as lead actor sa Fan Girl kundi si James Reid. Tinangggihan daw ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre ang role kaya’t kay Pau inalok ng produksyon.

Si Paulo naman ang nanalong Best Actor and we wonder kung nanghihinayang din ba si James na hindi niya tinanggap ang movie.

Bukod sa Best Actor and Best Actress ay nanalo ring Best Picture ang pelikula at ang nagdirihe namang si Antoinette Jadaone ang hinirang na Best Director. The film also bagged the Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing and Best Sound awards. Humahataw rin ito sa takilya.

Pero siyempre, we still don’t know kung tatanghalin din bang Best Actor and Best Actress sina James and Yvette respectively kung sila ang gumanap sa film. Mas tamang sabihin na kanya-kanya talagang kapalaran ‘yan at marahil, para kina Paulo at Charlie talaga ang pelikula.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alex tinangging buntis

Tinawanan lang ni Alex Gonzaga ang comment ng isang netizen na mukha siyang buntis ngayon.

Nag-post kasi ng video si Alex sa kanyang Instagram account at sa isang bahagi ay makikita na hinawakan ng fiancé niya na si Mikee Morada ang kanyang tummy.

Comment ng netizen, “BUNTIS!!! Halatang halata na. Tingnan ang hawak ni Mikee sa tiyan ni Alex.”

Pakwela namang sumagot si Alex. Paliwanag niya, ilang araw na raw siyang constipated.

“Di ba pwedeng pupu lang? Since day 1 constipated nako ayaw makisama ng tyan ko kaya nagglutalipo na,” sagot ni Alex.

Well, naniniwala naman kaming hindi buntis si Alex dahil alam naman nating lahat na conservative ang kanyang pamilya’t hindi papayag sina Mommy Pinty and Daddy Bono (her parents) na mauuna ang baby bago kasal.

Remember na may vlog si Alex na prank sa kanyang magulang na kunyari ay buntis siya’t nakita talaga sa video ang mga violent reactions ng mag-asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.