Abante Tonite Interactive

Paulo gustong magpahinga sa showbiz

919
tonite-imo-vinia-vivarComing from the big success of the historical film Heneral Luna 3 years ago, muling­ nagbabalik ang TBA Studios at si direk Jer­rold Tarog para sa much-awaited follow-up na “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinagbibidahan ni Paulo Avelino bilang Gregorio del Pilar.
Aminado naman ang aktor na may pressure on his part na maging successful din sa box-office ang “Goyo: Ang Batang Heneral” para magkaroon ulit ng funds ang producer na gumawa ulit ng panibagong movie.
“Ang pinaka-pressure sa akin ngayon ay gusto ko talagang kumita ‘yung pelikula para hindi na sila mahirapan kumuha ng funds or maghanap ng magpo-produce for the next film dahil sabi nga ni Jerrold kanina, ‘yung direktor­ namin, importante, mabuo itong tatlong pelikula para mas maintindihan natin ‘yung time na ‘yun kung ano ba talaga ang nangyayari nu’n.
“Parang sabi nga, it’s an (Emilio) Aguinaldo film kasi siya lang ‘yun buhay du’n sa tatlo at malaking impluwensiya sa pelikula,” sabi ni Paulo kahapon sa presscon.
Ang tinutukoy ni Paulo na tatlong pelikula ay tatlong installment ng historical film. Nauna na nga ang Heneral Luna, pangalawa itong Goyo: Ang Batang Heneral at pangatlo ang Manuel L. Quezon story na gagawin pa lang.
Sa nasabing presscon ay marami ang nagulat sa sinabi ni Paulo na gusto na muna niyang magpahinga dahil 10 years na rin daw siya sa industry at gusto naman daw niyang mag-relax muna.
“Break lang naman. I’ve been doing this for 10 years non-stop. So,  pahinga lang,” sey niya.
Sa ngayon ay may ginagawa pa raw siyang soap opera sa ABS-CBN with Angel Locsin, ang The General’s Daughter kaya hindi naman siya basta-basta puwedeng magretiro.
Napagod ba siya sa Heneral Luna na 3 years niyang ginagawa kaya gusto muna niyang magpahinga?
“Lahat naman ng pelikula, nakakapagod pero ‘yun nga, parang sampung taon na rin akong nasa industriya, so, slow down muna,” aniya.
Dahil nga 10 years na siya in the business, ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ay parang selebrasyon na rin daw niya at handog sa kanyang mga tagahanga.
Ayon naman sa mga producers na sina Fernando Ortigas and E.A. Rocha ng TBA Studios, mas malaki raw ang Goyo: Ang Batang Heneral compared to Heneral Luna, not only in terms of scope and production, but also in emotion.
“We had to give Jerrold his vision. We knew from the beginning that Goyo had to be much bigger than Luna. It is an epic story,” paha­yag ni Ortigas. “As the producers, whatever Jerrold needed for the set, it was there.”
On the lighter side ay makikita raw sa pelikula ang pagiging chickboy ni Goyo at sey ni Paulo na ewan kung nagbibiro, sa parteng ito raw ay hindi siya talaga maka-relate.
Showing na sa Sept. 5 ang Goyo: Ang Batang Heneral at kasama rin dito sina Gwen Zamora, Empress Schuck, Carlo Aquino, Mon Confiado, Rafa Siguion-Reyna, Epy Quizon, Arron Villaflor, Alvin Anson, Ronnie Lazaro, Art Acuna, Benjamin Alves at marami pang iba.
***

Daniel hindi malupit na boyfriend

Ayon kay Daniel Padilla, 24-hour job daw ang maging malupit na boyfriend. At hanggang ngayon, wino-work-out pa rin niya ito.
“Hindi pwedeng magiging kumportable ka, kasi once na maging kumportable ka, wala ka nang gagawin,” sey ni Daniel sa presscon ng The Hows of Us.
Hindi raw siya malupit na boyfriend, actually dahil mahirap nga raw ito.
“And I think, pag dumali, ‘yun ang problema. Pag naging kumpor­table ka na masyado, di ka ume-effort. Pag mahirap, mas okay ‘yun, kasi ‘yun nga ang growth ng relationship and growth mo mismo as a person,” sey ni DJ.
Aminado rin ang young actor na Kathryn makes him a better person at ‘yun daw talaga ang magandang nangyari sa buhay niya.
“Totoo ‘yun. ‘Yun ang compliment. And I think, kesa sa kilig, ‘yun ang kailangan mong hanapin. Kasi it doesn’t mean na pag nawala ang kilig, hindi mo na mahal. Kailangan mo lang hanapin ang mas malalim na rason kung bakit mo mahal ang isang tao,” pahayag pa ni Daniel.