Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paulo, Janine romansa lumutang

0 337

Kinumpirma ng aming reliable source na one month nang hiwalay sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Ang ibinigay na dahilan ay walang oras sa isa’t isa.

Diniin din ng source na walang third party sa hiwalayan sa kabila ng tsismis na may magandang pagtitinginan umano sina Paulo Avelino at Janine.

True kaya ang tsika na umano’y nagkadebelopan ang dalawa habang ginagawa ang seryeng Marry Me, Marry You?

Posibleng si Paulo ang naisip ng mga marites na dahilan dahil sa pag-amin nito na nagdi-date sila ni Janine nu’ng wala pa si Rayver sa eksena.

“Pero friendly date lang iyon. Hindi pa magkakilala sina Janine at Rayver lumalabas na sina Janine at Paulo,” paliwanag ng aming source.

Matatandaang very vocal si Paulo sa virtual mediacon ng ‘Marry Me, Marry You na nagdi-date sila noon . “Lumabas na kami dati, hindi lang natuloy,” hirt ng aktor.

So, intriga lang kaya ang tsikang may namumuong romansa sa dalawa?

SM food to go Banner Ad

Nabibigyan din kasi ng ibang kulay ang mga biruan nila at pagiging sweet sa isa’t isa.

Bukas ang panig nina Janine at Paulo sa ikakalinaw ng isyu.

Julie Anne iwas tuksuhin kay Rayver

Balitang umiiwas din ngayon ni Julie Anne San Jose na tuksuhin sila ni Rayver Cruz. Mukhang ayaw niyang tuluyang masangkot sa hiwalayan ng JayVer. Malaki kasi ang respeto niya kay Janine.

Bet pa naman ng mga na fan na i-link sila dahil may chemistry sila sa “The Clash”. Epektib kasi ang pakilig nila sa show bilang Clash Masters .

Bukod dito, magkasama rin sina Julie at Rayver sa November 20 para sa “Limitless Part 2: Heal.”

Ang “Limitless, A Musical Trilogy” ay sa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano at musical director si Myke Salomon. Prodyus ito ng GMA Synergy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.