Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paulo kinarir maging gamer

0 267

Sineryoso ni Paulo Avelino ang maging gamer bukod sa pagiging mahusay na aktor.

Aktibo siya sa gaming. Nakipag-collab siya sa LuponWXC na kilala sa pagbo-broadcast ng esports tournaments. Partner na siya ng CEO and founder ng sa LuponWXC na si KuyaNic (Nico Nazario).

“Gusto naming patibayin pa itong industriya para mapakinabangan namin lahat in the future” deklara niya.

Malaki ang bilib niya na magiging isang malaking industy rin ang gaming world sa bansa.

Si Paulo ay longtime fan ni KuyaNic bago sila nagkakilala sa isang mutual friend.

“I used to order a lot of streaming products to improve the broadcast quality of streamers in the local field,” lahad ng aktor.

“One day our common friend asked me if I had any supplies lying around for a certain product that was out of stock everywhere. I asked who needed it, and he said it was KuyaNic. Knowing who he was, I offered to give him the product for free.”

Sa ngayon, si Paulo ang incharge sa content production and curation side. Tinitiyak niya na ang lahat ng LuponWXC streamers ay may mga “cutting-edge equipment.”

“Ang role ko talaga rito sa Lupon, ayan, nagbabantay ako ng quality, tsine-check ko na ayos lagi ang equipment. Tapos marami pang on the side,” sambit pa ng aktor.

Hanga naman si KuyaNic sa pagtutok ni Paulo sa operation side. Hindi niya inaasahan na seseryosohin ng kanyang partner ang Lupon.

Samantala, anim na ang operational studios ng Lupon na gumagawa ng original content na ini-stream Facebook , YouTube at Kumu.

Kinu-kumpleto na rin nila ang world-class gaming facility sa General Trias, Cavite, with 11 broadcast studios, where they hope to further maximize their resources and take the company to new heights.

“What I’m most looking forward to is expanding our talent pool with more games,” ani Paulo.

“The pandemic has hit everyone hard. I’m just glad we’re able to keep all of our employees – who love and see a career in the gaming industry,” sambit pa niya.

Talbog!

Liezel ‘di napikon kay Pauline

Patindi nang patindi ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ .Patunay dito ang pinag-usapang eksena nina Pauline Mendoza at Liezel Lopez.

Talaga namang napahanga ang viewers sa confrontation scene sa pagitan nina Iris (Pauline) at Trina (Liezel) nang magpang-abot sila malapit sa isang water fountain.

Ayon kay Pauline, malaking tulong na kumportable siya sa kanyang co-actor. “I think it’s important bilang actress na you get comfortable with your co-actors, so ‘yun ‘yung nangyari sa amin ni Liezel like naging comfortable kami sa isa’t isa.”

Hanga rin ang Kapuso actress sa pinakitang professionalism ni Liezel sa set, “Working with her, she’s very professional, at the same time, she’s very dedicated to her craft, so hindi talaga ako nahirapan, hindi naman siya napikon.”

Sagot naman ni Liezel ay madaling katrabaho si Pauline, “Actually, for me sobrang dali talaga na makatrabaho si Pau. It’s really easy to work with her at saka napag-uusapan namin ang gagawin namin before the day and siyempre may guidance ang aming director na si Direk Jules Katanyag.”

‘Wag palampasin ang huling linggo ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA 7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.