Abante Tonite Interactive

Paulo may hinaing sa industriya

By
666

Ang diva that you love, sa tuwing makikita si Paulo Avelino, sadya man o hindi sinasadya, pakiwari ko, lagi siyang may extra effort para lagi at lalo ko siyang mamahalin.

Sa press conference para sa Goyo: Ang Batang Heneral, matapos siyang pagkaguluhan, kami naman ang nagpakuha sa larawan, at nung dinantay ko ang aking kamay sa kanyang tiyan, just like before, walang pagka-ilang, chill at cool lang. Bulalas niya, “Para akong ikakasal dahil sa suot ko.” Biro ko, “Sayang, hindi ako nakaputi.” Sabay kaming tumawa.

May tanong pa nga siya sa diva that you love, “Masarap ba ang food dito? Parang mas masarap ang pagkain dito kaysa sa holding area namin.”

Gusto ko rin niyang ipaalam kung bakit mahalaga ang Goyo. Sabi nga ni Paulo, “Bilang mamamayan ng Pilipinas, importante sa akin na sana ay malaman ang istorya natin. Importante na paulit-ulit ipaalaala sa atin itong mga istorya natin para makita natin ang mga pagkakamali natin at maitama natin sa ngayon.”

‘Yung nasa niyang, “Tandaan mo kung sino ka,” isa itong pagpapaalala ni Paulo, bilang Goyo, na ang importante talaga ang kalooban at kaibuturan.

Sabi nga sa Little Prince, “What is essential is invisible to the eye.”

Ang kanyang pagiging tapat, lalo na tungkol sa box-office results nito, nakaka-endear, “Ang pinaka-pressure sa’kin ngayon gusto ko kumita ‘yung pelikula para hindi na sila mahirapan sa funds or kumuha ng magpo-produce for the next film.”

Ang isa pa niyang hinaing, “Ang hirap na hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawing pelikula kesyo ganito, kesyo ganyan. Parang gusto kong gumawa ng pelikula at projects at my own pace. Hindi ‘yung kailangan kong gumawa ng pelikula dahil kailangan kong gumawa ng blockbuster hit or kaila­ngan ng ganito. Parang hindi lang para mag-grow ako as a person, but also to help the film industry or the people in the industry.”

Patuloy pa ni Paulo, “What should you prioritize in your life? Coming from Goyo, you get to realize, I’m sure a lot of you will realize na maiksi ang buhay. Why do we keep doing things… parang we can’t be distracted from what we really need to do or what we have to do, parang­ the bigger responsibilities in life.”

Kung siya ay tubig, sabi ni Avelino sa akin, ang estado niya ay “murky.” May mga frustrations siya umiiral na sistema sa kasalukuyan.
Sa maaaring paglipad ng kanyang karera na parang agila ngayong siya na si Goyo, bulong ni Paulo, “Wow! Salamat. Hindi madaling maging si Goyo. I just hope more people watch it and more minds and hearts will be opened. ‘Yun kasi ang importante sa ngayon.”

Sa Septyembre 5 na ipapalabas sa mga sinehan ang Goyo: Ang Batang Heneral.