Abante Tonite Interactive

Paulo-Nadine magkakatuluyan na

967

Positibo ang reaksyon ng mga tao sa bagong project na pagsasamahan nina ­Nadine Lustre, Julia ­Montes, Paulo Avelino at Zanjoe Marudo sa Dreamscape ­Entertainment ng ABS-CBN na may titulong Burado.

Nag-viral agad ang mga larawang kuha mula sa storycon ng proyekto at ang daming nag-aabang ngayon pa lang lalo pa nga’t parehong matagal nang hindi nakikita sa isang drama series sina Nadine at Julia at ­bonus pa nga na magkasama sila.

Nag-post nga si Paulo ng larawan nilang apat sa kanyang Twitter account at ang dami agad nag-react positively. Excited ang kanyang mga fan at ang daming nag-comment na malakas daw ang chemistry nila ni Nadine.

Hindi pa man inaanunsyo na sila ni Nadine ang magkapareha ay in-assume na ito ng mga fan. Komento nila, finally ay nagkatuluyan din ang dalawa dahil sa On The Wings of Love ay naudlot daw ang tandem ng dalawa at hindi nagkatuluyan ang mga karakter nila.

“Wow excited for this!!! Sana kayo ni ­Nadine mag partner! Parang throwback sa ­OTWOL!” ­komento ng isang netizen.

Nakakatuwa rin na tanda pa ng fans nila ang pangalan ng karakter nila sa OTWOL na Leah at ­Simon.

Inanunsyo rin ng Dreamscape Entertainment na ang Burado ay kukunan pa sa Thailand, Cambodia, India at dito rin siyempre sa Pinas.

For Nadine, ito ang kanyang pagbabalik sa tele­serye pagkatapos ng Till I Met You with James Reid noong 2017. Si Julia naman ay Asintado pa ang huling serye niya noong 2018 although magsisimula na rin naman ang kanyang 24/7 ngayong Pebrero pero weekly lang naman ito mapapanood.

Dingdong sumawsaw sa problema ng Kapamilya

Maging ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ay nagpahayag din ng suporta sa ABS-CBN’s franchise renewal.

Naglabas si Dong ng kanyang opinyon sa kanyang Twitter account kahapon, isang araw matapos mag-file ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Caldida sa Supreme Court at hinihi­ling na huwag i-renew ang prankisa ng ABS-CBN.

Ayon sa statement ni Dingdong, iba man ang kanyang network ay isa lang tayong lahat sa ­media industry.

“Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many ­talents and crafts under this Network, the ­products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos,” ang tweet ni Dingdong.

Saad pa niya, “I pray too that the ­government, thru Congress, will hear out its constituents. ­After all, Congress is supposed to represent our “voice.
“In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses.”

Ang dami namang humangang netizens sa tweet na ito ni Dingdong and some even thanked him for standing with ABS-CBN sa hararap ng malaking pagsubok na ito sa network.