Abante Tonite Interactive

Paulo naglitanya sa premarital sex

By
Paulo Avelino
2,140

Magkapareho lamang ang titulo pero ang Kasal, na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Bea Alonzo at Paulo Avelino, ay hindi kakambal ng Kasal ni Direk Laurice Guillen. Hindi rin siya katulad ng Kasal ni Direk Jay Alterejos. At mas lalong hindi siya kamag-anak ng Kasal, Kasali at Kasalo ni Direk Jose Javier Reyes.

May sarili itong kuwento at ang mga bida sa pelikula, may kaniya-kaniyang paniniwala sa usaping kasal at pag-aasawa.

Sa press pasabog para sa Kasal presscon, pagpasok ni Paulo Avelino sa venue at pagkakita sa diva that you love, kumaway ito sa akin. Ibinalik ko naman ang gesture niya, kumaway rin ako sa aktor na black polo ang suot with polka dots at t­ailored pants.

Ito namang si Bea Alonzo, assumera. Nabigla sa pagka­way ko. Akala niya, para sa kanya ang aking pagkaway. Bakit naman kita kakawa­yan, ‘di tayo close noh! Hahahaha. In fairness sa babaeng kahihiwalay lang yata kay Gerald Anderson, ang ganda niya. Living well and beautifully at that ang kanyang best revenge, huh.

Ang simple pero sinserong pagkaway ni Paulo, made a difference. Sa totoo lang, nakakaganda siya, raise to the seventh level ang aking happiness level. I know this is so babaw, right?

Siyempre dahil ang usa­pin ay kasal, may mga opinyon si Avelino tungkol sa bagay na ito. Sa kanyang edad na late twenty something, he is not in a rush to tie the knot and walk down the aisle, gusto niya munang magpaka-sigur­o na kung sino man ang iniirog niya in the nearest future, ito na talaga ang kanyang pang-happily ever after.
Pahayag ni Paulo, “It will be something that I need to decide, maybe five years from now.”

Hindi niya raw sinasabing ayaw niyang magpakasal, patuloy niyang pahayag, “I am saying I won’t get married, hindi lang natin masabi. Hangga’t hindi pa dumadating ang tamang panahon to find the partner for you.”

Ano pa ba ang inaantay niyang signal na siya ay handa na? Sagot ng aktor na tila hindi nawawalan ng mga proyekto sa Mother Ignacia network, “Siguro, when I feel na both parties are ready to get married, kasama nila ‘yung mga magulang.”

Dagdag paliwanag niya pa, “What I am trying to say is, gusto, lahat ng mga taong nakapaligid sa amin, lahat ay in agreement sa pangyayari. Masarap ‘yung feeling na walang kontra sa mga mangyayari.”

In this day and age of the Millennials kung saan ang co-habiting (live-in) at sleepin­g over arrangements ay mga totoong pangyayari na, ano nga ba ang stand niya sa pangmatagalang engagement at ang usaping pakikipagtalik sa mahal na walang basbas ng kasal?

Ang sagot ni Paulo, “For me, it’s finding a partner you’re compatible with in all aspects, which include the sexual, if both parties agree to it or if not, so be it. Puwede namang i-explore ‘yun in the later part of the relationship.”

Dahil nga moderno na ang panahon, at kahit pa nga sagrado pa rin ang pagmamahalang binuklod ng Diyos sa kasal, hindi rin pwedeng itanggi na may humamon sa katatagan nito. Being the only Catholic-do­minated, religion wise, country in Southeast Asia, ang divorce ay isang big no-no pa rin sa atin.

May mga nagsusulong nito pero wala pa ring nagtatagumpay para maging batas ang diborsyo sa Pilipinas nating mahal. Kung talagang isusulong ito, tiyak na may polarizing effect sa lahat ang nasabing usapin.

Ang opinyon ni Avelino rito, “In all honesty, I’m quite confused yet about annulment and divorce. I don’t want to talk about somethin­g that I am not fully knowledgeable of. But since it was brought up, and it might happen in the Philippines. I think it’s about time I should study it and give my opinion­s after.”

Super blessings nga nawa ang mangyari sa Kasal dahil nga may mabigat na Hollywood franchise movie itong kasabay. Sa mga umay na umay na sa mga nakakapagod at maiingay na super hero movies­, may chance na Kasal ang magiging alternative viewing nila dahil nga who would not want to believe in the promise of forever lalo na kung ang mga ikakasal, kahit sa pelikula lamang ay tulad nina Derek, Bea at Paulo.