Abante Tonite Interactive

Paulo, nakiusap na tantanan si Tasha!

61

NAKORNER namin kahapon si Paulo Avelino after ng open forum sa presscon ng The Unmarried Wife.

Balita kasing may bagong babae sa buhay ni Paulo, sa katauhan ng non-showbiz girl na si Natasha Villaroman.

Inlabey nga ba siya ngayon?

Abante Hiring – IT dep

“Inlab ako sa mga motor ko ngayon. ‘Yun ang nagpapasaya sa akin ngayon. Ha! Ha! Ha!” natatawang pakyut niya sa amin.

So, sino si Natasha Villaroman?

“Tasha? She’s a friend and huwag na natin siyang idamay, please…” mabilis na iwas niya.

Pero lumalabas na ang pictures nila together sa mga showbiz blog at sa social media. Nababalita na ang tungkol sa kanila dahil napagkikita sila together ni Tasha.

“Oh yeah, pero huwag na muna natin siyang idamay. Kasi, kawawa naman ‘yung tao, wala siya sa industriya natin.

“At alam mo ‘yon? Baka maapektuhan din pati pamilya niya.”

Pero SILA BA ni Natasha?

“I’m dating, I’m dating. I’m currently… I’m dating. Yeah, that’s it,” napapangiting sagot ng Kapamilya actor.

He’s dating Natasha?

“I won’t give any specifics. Ha! Ha! Ha!”

Mukha namang inlab siya ngayon, eh!

“Inlab ako sa mga motor ko, matagal na. Inlab sa motor at sa trabaho,” pakyut niya ulit na sagot.

Normal naman ang makipag-date para sa mga single, ‘di ba?

“You know, it’s nice to see people also. It makes you realize na malaki ang mundo,” medyo natatawang pakli ng 28-anyos na aktor.

Kailan ba siya huling nakipag-date?

“Hindi ko maalala, pero dumating ‘yung motor ko, mga May. So mga May na ako napapasaya ng motor ko.”

GANERN?!

But seriously, this time ba ay mas gusto niyang sikreto lang ang private life niya?

“Parang hindi ko nga alam kung mangyayari pa ‘yon sa buhay ko ngayon eh, pero… alam mo ‘yon? Ayoko lang pangunahan ‘yung mga haka-haka o mga lumabas na isyu.

“Siyempre, gusto rin nating lahat ng tahimik na buhay. Ayoko lang na may mga nadadamay at naaapektuhan. Baka maapektuhan sa hindi magandang paraan.”

Ang alin? Ang binubuo niyang relasyon?

“Hindi naman binubuong relasyon. In general. Hehehe!” sambit pa niya ever since ay malihim pagdating sa kanyang lovelife si Paulo.

Base sa mga napag-alaman namin ay La Salle graduate si Natasha Villaroman na galing sa isang kilalang pamilya mula sa Surigao.

Naging commercial model din ito (Olay girl) at ngayon ay isang businesswoman/entrepreneur.