Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paulo,Beauty, Ogie ‘di pa pinakawalan ng Dos

0 1,071

NI: RODEL FERNANDO

Habang sinusulat ito ay wala pang kasiguraduhan kung mabibigyan ng franchise ang ABS-CBN 2. May mga nababalitang palalayain na raw ng tv network ang kanilang mga artista.

Ayon sa tsismis, puwede na raw magtrabaho sa ibang network gaya ng GMA 7 at TV 5 ang kanilang mga talent.

May pahayag ang mga talent manager na sina Leo Dominguez at Arnold Vegafria na may mga artista sa Kapamilya Network ukol dito.

Related Posts

“I dont think true yung balita.

“Wala akong alam, wala naman kumakausap sa akin,” tugon ni Leo na ilan sa mga sikat niyang artista sa Dos ay sina Ogie Alcasid , Paulo Avelino, JC De Vera, Isabelle Daza, Albie Casino.

Samantala, wala ring alam si Arnold at wala ring offer mula sa ibang network sa kaniyang mga alaga mula Kapamilya network. Kabilang sa mga alaga niya ay sina Sylvia Sanchez (movie at commercial) , Beauty Gonzalez, Kiko Estrada, Enzo Pineda, Bianca King.

Iisa naman ang saloobin ng dalawang miyembro ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI). Ito ay ang panalangin nila na makabalik na sa ere at mabigyan ng prangkisa ang Dos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.