Abante Tonite Interactive

Pautot ni Mocha pusali level

By
2,813

Maliban sa ilang mga importanteng puntos, ang diva that you love, hindi na uulitin pa ang dahilan kung bakit ang dating pre­sidential daughter at sister na si Kristine Bernadette Aquino, hinamon si Mocha Uson nang harapang talastasan na may chance na mauwi sa sabunutan to end all sabunatan.

Sa mga walang access sa internet, sa Facebook Live at Instagram. Simulta­neous ang pagpapalabas sa aria ni Aquino kung saan inilabas niya ang kanyang ngitngit at galit sa kawalanghiyaan ni Uson sa kanyang mga yumaong magulang na sina Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. at President Corazon ‘Cory’ Aquino.

In fairness sa aria ni Kris, poised na poised pa rin ang delivery, alam mong umabot na sa sukdulan ang kanyang pagkainis na naging galit na nga sa babaeng laging wala sa hulog at kadalasan hindi tama ang mga sinasabi.

Sa pagkakataong ito, team Kris here. At kahit pa nga may magsasabing ‘gimmick’ na naman niya ito at muling pinaiiral ang kanyang pagiging ‘media savvy’ at ‘influence­r status’ bilang anak, karapatan niya talagang ipagtanggol ang mga magulang niyang namayapa laban kay Mocha.

Panalo ang hamon ni Aquino, “Diretsahan na, babae sa babae, gusto mo ng kaaway? I’m ready. Anytime, anywhere, harapan. Gusto mag-debate, keri.”

Dagdag pa nito, “I just wanna say, I am ready for you. This is a direct challenge to you. Face me, anywhere. Text me. You can find my number, andali. Name the place. Name the location. Let’s carry it live. Bring all your followers. I can stand alone. But stop it. Stop doing­ this to two people who have never hurt you.”

Pasabog pa ni Kris, “But I am giving you fair warning­. Isa pa, isa pa na bastusin at babuyin mo ang tatay o nanay ko, magtutuos tayo.”

Habang tinitipa ko ang aking pitak, tila wala pang opisyal na pahayag ang babaeng bumalahura diumano sa pamilya Aquino kung kakasa siya sa ha­mon.

Gusto ko tuloy malaman, si Uson, ang mga magulang niya, paano ba siya pinalaki at anong value­s system ang meron sila kaya nagkaganyan siya?

Noong panahong may larawan siyang nagpapa­lamas ng suso, dinudukot ang ari ng mga lalaki, nakadamit-madre habang in full make up, nakabukaka na isang kamay lang ang tumatakip sa kanyang pagkababae, ang pagiging inhibited sa sex, siya man lang ba ay pinagalitan o pinagsabihan ng kanyang mga magulang o kahit ng kanyang next of kin?

At kahit pa nga may government position na siya, hindi mababago nito ang kanyang nakalipas. Kahit pa nga may drama siyang mga nakalipas na iyon at tapos, itong bago mong pautot bilang pagtatanggol sa Ginoo mo, pusali level talaga, Mocha! Ang baho! Nakakasulasok ang sangsang at lansa!

Mocha, ang mali ay mali. Hindi ordinaryong lalaki ang iyong ginoo, presidente siya. Hindi siya artista. Hindi siya payaso. Hindi rin perya ang opisina niya.

Kung may kaunti ka pang kahihiyan, kumilos ka na ayon na sa iyong ganda.