Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauwi galing party: Angkas nahati katawan sa trak

0 229

Blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng tumakas na driver ng truck matapos ang pagkaladkad niya sa nabanggang motorsiklo na ikinasawi ng isang kitchen crew na angkas ng motorsiklo habang sugatan ang dalawang rider, kamakailan sa East Service Road sa Brgy. San Martin De Porres, Parañaque City.

Kasalukuyang nagluluksa ang mga kaanak ng biktimang si Proseso Doza Jr., kitchen crew, 29-anyos, na halos nahati ang katawan sa pagkaladkad ng trak habang sugatan ang mga rider ng dalawang motorsiklo na sina Junnel Basada at Marlon Urbano.

Katarungan ang hiling ng pamilya ng biktima at humihingi ng tulong sa mga nakakita o makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng driver na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ng Parañaque Police, naganap ang insidente Biyernes ng madaling-araw, nang mag-overtake ang motorsiklo sa truck sa northbound lane ng service road sa Brgy. San Martin De Porres at sa hindi inaasahang pangyayari ay sumalpok ang motorsiklo sa nakasalubong na motor sa kabilang lane bago pumailalim sa truck at nakaladkad at hindi umano huminto ang trak na nagawang tumakas sa krimen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon ng insidenteng nakuha sa CCTV, nakita ang pagkaladkad ng truck sa motorsiklo na nanggaling sa kaparehong lane.

Nabatid na nanggaling sa birthday party ng kaibigan sa Taguig ang nasawing biktima at umangkas kay Urbano pauwi.

Umamin naman si Urbano na nakainom siya sa party at nag-overtake sa trak at sa hindi inaasahang aksidente ay nasawi si Doza.

Patuloy pa rin ang settlement kaugnay kay Basada habang umaasa ang pamilya ng nasawing biktima na lumutang ang driver ng trak upang sampahan ng kaso at managot sa sinapit ng kanilang kaanak. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.