Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pauwi galing rally; 6 nadale sa karambola

0 56

PATAY ang isang barangay kagawad habang lima ang sugatan matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo habang papauwi galing sa grand rally sa Barangay San Manuel, Naguilian, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Naguilian Police Station (NPS) ang biktima na si Eldifonso Atchure, kagawad ng Barangay Casala, San Mariano ng nasabing lalawigan habang sugatan ang angkas niyang si Elizabeth Pascua.

Kinilala naman ang may-ari at drayber ng motorsiklo na may plakang 295-BEW na si PFC B-Jay Darbin, 26, miyembro ng AFP; at sakay na si Michael Joseph Macutay, 27, kapwa taga-Barangay Quirino.

Ang ikatlong motorsiklo [AU-27039] ay pag-aari ni Agustin Navarro, na minamaneho ni Rolly Bacus, 28, walang lisensya at pasahero nitong si Christian Cauilan, 20, kapwa ng Barangay Quirino.

Sa report ng NPS traffic bureau, nang makarating sa pakurbadang bahagi ng kalsada, inakala nilang tindahan ang maliwanag na bahagi sa kabilang linya ng kalsada kaya sinubukan niyang tumawid subalit nang makitang hindi ito tindahan ay agad bumalik sa linya.

Ayon sa report, hindi umano napansin ang paparating na motorsiklo na minamaneho ni PFC

Percy Jay Balbin Monterubio ng Quirino, Naguilian Isabela na naging sanhi ng banggaan.

Nadamay sa banggaan ang motorsiklo na nakasunod kay Monterubio na minamaneho ni Agustin Navarro.

Napag-alaman na galing ang mga biktima sa grand rally nina presidential candidate Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio nang maganap ang insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.