Abante Tonite Interactive

Pawis ni Jessy masarap dilaan

3,334

Matatawa ka na lang sa mga komento ni Luis Manzano sa mga netizen na nagnanasa sa girlfriend niya na si Jessy Mendiola. Pabiro man ang mga banat niya ay talagang mapapansin mo ang pagiging over-protective nito sa aktres.

Talaga namang pinag-aaksayahan ng panahon ng aktor na tumugon sa mga nagnanasang netizen.

Komento ng netizen na si @roytanch, “Sarap dilaan pawis mo.”

Pabiro namang nag-reply ang aktor. Aniya, “@roytanch – pawis po gitna ng pwet ko, pasabay na rin po ha, thanks po.”

Matatandaan na dati na ring nagpaalala ang aktres sa mga lalaking kaibigan na nakakasama niya na iwasan na ang pag-akbay sa kanya sa tuwing may picture session.

Kahit na dati ay talagang nagre-reply ang aktor sa mga nagnanasa sa aktres. Siyempre, way na rin ‘yon ni Luis na hindi niya pinapalampas ang kahit na anong pambabastos sa girlfriend niya na mas lalong naging kaakit-akit ngayon. Malaki kasi ang sineksi ng aktres matapos dumaan sa matinding work out.