Abante Tonite Interactive

Pawisang Gerald pinusuan ni Julia

1,406

Kahit anong gawin ni Julia Barretto, laging napapailalim at nabibigyan ng interpretasyon.

Isang kainamang halimbawa, may isang larawan si Gerald Anderson na alam mong kuha sa isang basketball game na walang halong pag-iimbot at buong katapatang ni-like ni pretty, young Barretto.

Dahil nga wala siyang katakot-takot na ipaalam sa lahat na kanyang nagustuhan ang barakong-barakong imahen ni Anderson na in true alpha male form at nakapamewang pa at that.

Ang pag-like ni Julia sa larawan ay dahil ba sa A) Langit na naman ang hatid ng larawan ni Anderson sa kanya; B) Masarap naman talagang pagmasdan at magustuhan ang lalaking pawisan at C) nothing is more hotter than a man in a basketball uniform.

Sey ng netizen, “Hayaan na natin si Barretto na i-like ang lahat ng mga larawan ni Gerald Anderson. Ka-like, like naman talaga eh.” (Alwin Ignacio)