Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pawnshop naniningil ng P200 sa SAP

0 169

Pinaimbestigahan ng isang mambabatas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin sa National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamong paniningil umano ng P200 ng isang pawnshop sa mga nagpapa-encash ng kanilang nakuhang ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability nitong Miyerkoles hinggil sa implementasyon ng SAP, ipinaabot ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund `LRay’ Villafuerte ang reklamo ng isang netizen na nagsasabing isang pawnshop na hindi pinangalanan ang naniningil umano ng P200 sa halip na P50 lamang para sa pag-encash ng nakuha nilang ayuda.

SM food to go Banner Ad

Bukod umano sa sinisingil na P50 para sa transaksyon, naniningil din ng dagdag pang P50 para umano sa raffle at P100 naman para sa insurance kaya aabot sa P200 ang kabuuang kinakaltas.

Dahil dito, hiniling ng kongresista sa DSWD na alamin ito kasama ang NBI.

Leave A Reply

Your email address will not be published.