Abante Tonite Interactive

Payat, bangs malas sa loveless

Feng Shui tips para magka-forever

335

Kung zero ang iyong love life o ikaw ay NBSB (No Boyfriend Since Birth), para hindi manatiling single ay maaari mong sundin ang payo ng mga Feng Shui expert para ikaw ay magka-forever.

Unang-una’y piliin ang lugar na nasa posisyong west. Laging magtu­ngo o pumuwesto sa pakanlurang direksyon dahil sa bahaging iyon ma­lakas ang enerhiya ng pag-ibig. Kapag makikipag-date ka o kasama ang iyong minamahal ay tiyaking nasa west direction kayo nakaposisyon.

Sa mga girls, magsuot ng dress or blouse na color white at kulayan ang labi ng light red or pink lipstick kapag kasama ang iniibig o makikipag-date para magmukhang birhen, walang bahid at lumakas ang karisma.

Light colors din dapat ang peg ng mga boys at ‘wag na ‘wag magba-black para ‘di magmukhang maitim ang budhi. Tandaan, malakas makahatak ng malinis na intensyon at personalidad ang pastel colors.

Bad luck sa love ang sobrang payat lalo na kung nakalabas na ang cheekbone kaya para hindi malasin ay si­guraduhing may mapipisil ding laman (at hindi taba) sa katawan.

May kapit na suwerte sa pag-ibig ang rose essential oil dahil sa taglay na flower’s aromatic compound kaya gumamit nito at hayaang humali­muyak ang amoy nito sa kuwarto o opisina para makapaghatid din ng good vibes.

Magsuot ng pulang pantulog. Sagisag ng pag-ibig at kasagana­han ang color red sa feng shui. Bukod dito ay nakakataboy pa ito ng mga umaaligid-aligid na bad spirit lalo na sa gabi.

‘Wag munang magba-bangs. I-expose ang noo. Importante ang Qi energy sa pag-ibig. Para magtuloy-tuloy ang love luck sa katawan, iwasang matakpan ng buhok ang noo dahil sa forehead nagsisimulang dumaloy ang Qi energy sa katawan. Kung mahaharangan ito, malayong dumapo ang suwerte sa pag-ibig.

Ilan naman sa mga feng shui expert ay nagpayong bago matulog, gabi-gabi ay humarap muna sa bintana ng silid at taimtim na hilingin sa universe na ipadala na ang iyong ka-forever.

Ang pag-aalaga din ng mag-asa­wang baboy ay malaking tulong para makadaupang-palad na ang iyong ‘the one.’

Ang mga feng shui tips na ito ay maaari lamang gabay dahil puwedeng akma ito sa ilan pero hindi naman epek­tibo sa iba. Importante pa rin ang pagiging positibo, pagkakaroon ng pananalig at kumpinyasa sa sarili.