Abante Tonite Interactive

Payo ni Harden sa mga Pinoy: Disiplina, ensayo para umangat

291

Simple pero tagos ang mensahe ni Houston Rockets superstar James Harden sa kanyang fans sa Manila.

Ibinahagi ng National Basketball Association scoring champion ang kanyang panuntunan sa tagumpay.

“Every single day, you have to work your butt off,” giit ng The Beard. “Every day. It doesn’t stop.”

‘Di lang sa court, kundi sa buhay. Dedmahin aniya ang haters at bashers.
“If you wanna make it to the top, you gotta continue to work every single day and just block all the negative things, block the haters away from you. Keep them away and just focus on your goals.”

Sa pang-apat na pagkakata­on, dumalaw sa Manila si Harden.­ Dumating noong Martes, kinabukasan ay nagpunta sa College of Human Kinetics Gym sa UP Diliman, may meet-and-greet sa National Wheelchair Basketball Team at nagsagawa ng mini-training camp para sa mga bata.

Gabi ng Miyerkoles naman nasa SMX Convention Center sa Mall of Asia para sa kanyang “Free to Harden Manila” promotional tour ng Adidas.

Pinakita rin niya ang kanyang da-moves, at nakipaglaro sa ilang athletes sa pangunguna ni Kobe Paras.

NBA MVP si Harden, 29, noong 2018 pero inagawan siya ngayong taon ni Giannis Antetokounmpo.

Sa kabila nito, ‘di siya tinigilan ng Filipino fans sa pagharana ng “MVP! MVP!” (VE)