Abante Tonite Interactive

Payo ni Regine sa Geronimo-Guidicelli couple: Mag-sex nang mag-sex

3,696

Paano nga ba nagiging strong ang relationship ng mag-asawa?

Kakaiba ang naging sagot ni Regine, na pinayo niya bago pa man magpakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon sa ‘Asia’s Songbird’, dapat ay mag-sex nang madalas ang couple, at siyempre ay kailangan mag-usap.

“Mag-sex lang sila nang mag-sex siguro… in a Christian way, kasama ‘yun! But no, communication talaga is very important. Kasi alam n’yo, magte-10 years na kami ng asawa ko and it doesn’t feel na ten years ko na siyang ­kasama,” ayon kay Regine.

Sey ni Regine, masaya siya sa piling ng asawa dahil lagi siya ­nitong ina-update kahit ilang years na silang mag-asawa.

“Magligawan kayo nang magligawan. Ako, ‘yung asawa ko kaya, nililigawan pa rin ako. Magte-text ‘yun sa akin, ‘Hi, can I date you?’ ‘Yung ganu’n, pero kinikilig ka du’n,” pahayag pa ng sikat na singer. (RP)