Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Payo ni San Carlos kung paano harapin mga pagsubok ng panahon!

0 156

Nobyembre 3 ang araw ng Pista ng banal na Prelado ng Milan, San Carlos Borromeo . Nagsilbi siya bilang Obispo ng Simbahan noong kasagsagan ng Protestantismo sa Europa. Kay San Carlos pinagsamasama ang kabanalan, kayamanan at karangalan. Sa ginta ng lahat nanatili siyang mapagpakumbaba sa paglilingkod.

Mula pagkabata, nagpamalas na si Carlos ng talino at talento. Sa edad na 21 anyos nakapagtapos na siya agad ng Civil and Ecclesiastical Law sa Universidad ng Pavia. Ang pagkamatay ng kanyang kapatid ay naging dahilan upang mabuo ang kamyang loob na maging pari sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Nang maging Santo Papa ang kanyang tiyong si Papa Pio IV, ginawa siyang arsobispo at kardinal ng Milan. Dahil sa kanyang talino at kakayahan, nahirang siyang Secretary of State ngunit napiitang bumalik sa Milan pagpanaw ng Papa. Maraming nagalit sa kanya sa Roma sa pagsulong niya ng disiplina eklesiastika.

Sa Roma natapos ang banal na Obispo, higit sa lahat ang pagpapatuloy ng Kapulungan ng Trento bilang tugon ng Simbahan sa kamandag ng mga Protestante. Malaki ang naituong niya sa pagbabago ng mga kautusan ng Simbahan tungo sa ikasusulong ng pananampalataya at disiplina ng mga klero at monasteryo.

Sa kanyang diyosesis sa Milan, sinugpo ni Carlos ang masasamang aliwan, nagpatayo siya mga ospital, paaralan, simbahan at higit sa lahat seminaryo para sa paghubog ng mga banal na pari. Nang magkaroon ng peste at taggutom, nanguna siya sa pagtulong sa mga dukha at maysakit. Sa pagtatanggol sa mga batas ng Diyos, muntik na siyang patayin ng mga kaaway.

Pumanaw siya noong Nobyembre 4, 1584 at kinilalang santo taong 1610. Itinuturing na handog ng Diyos sa Simbahan si San Carlos Borromeo sa panahon ng matitinding pagsubok. Narito ang payo niya sa mga naghahangad ng kabanalan sa gitna ng krisis: “pasimulan ang bawat araw nang mataimtim na inaalala ang presensiya ng Diyos. Huwag magkaroon ng ibang layunin kundi ang kaluwalhatian ng Diyos.”

San Carlos Borromeo, Ipanalangin mo kami ngayong panahon ng pandemya!

Leave A Reply

Your email address will not be published.