Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA abangers sa IATF

0 94

UMAASA ang Games and Amusements Board (GAB) na tuluyang papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagnanais na maisagawa sa susunod na linggo na pagbukas ng PBA bubble na gaganapin sa Pampanga.

Nakausap mismo ni GAB chairman Baham Mitra tungkol sa planong bubble si PBA commissioner Willie Marcial na gaganapin sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga kung saan ang kalapit na Angeles University Foundation gym ang magsisilbing venue.

Gayunman, sinabi ni Mitra na nararapat lamang na magpaalam ang PBA sa namumuno na IATF para sa inaasam nito na bubble sa Clark at ipaalam din ang lahat ng safety protocols na plano nitong isagawa sa pasilidad.

“Would like to request for the PBA to give due courtesy to the IATF,” sabi ni Mitra.

Inihayag na mismo ng PBA ang nakatakda nitong pagbubukas sa Oktubre 9 sa mga natitirang laro ng Philippine Cup na tatagal sa loob ng dalawang buwan at may kabuuang 90 laro.

Huling nakausap ni Mitra ang Department of Health at Philippine Sports Commission Biyernes upang pag-usapan ang plano na bubble pati na rin ang iba pang usapin sa nalalapit na pagbabali ng sports sa bansa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.