Abante Tonite Interactive

PBA: Amoy sweep!

88

Parang nauubos ang dating angas ng Star, tuluy-tuloy naman ang bangis ng Meralco.

Sa ikalawang pagkakataon, tinalo ng Bolts ang Hotshots, 98-74, sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex kagabi para pinturahan ang 2-0 lead sa kanilang semifinals showdown.

Isang panalo pa ay wawalisin ng Meralco ni Norman Black ang best-of-five series, at sa ikalawang taon ay papalaot muli ang Bolts sa finals ng season-ending PBA Governors Cup.

Sa 2-0 lang nakatikim ng lead ang Star, nang rumatsada ang Bolts ay hindi na lumingon, unang badya ng blowout win ang 30-11 lead pagkatapos ng first quarter.

Nasa unahan pa rin ang Bolts, 53-32, sa break, at lumobo pa sa 78-48 pagkatapos ng three. Sa fourth, halos final score na lang ang hinihintay.

Limang bataan ni Black ang umiskor ng 10 pataas, pinamunuan ng tig-18 nina Jared Dillinger, Ranidel De Ocampo at Allen Durham.