Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA angat sa mga kalaban – Vargas

0 255

Mas may security ang Pinoy basketball players sa PBA.

Naniniwala si PBA chairman Ricky Vargas ng TNT na mas maganda pa rin ang oportunidad na hatid ng Asia’s first professional league sa mga basketball talent ng bansa.

“Joining the other leagues, it’s not 10 months of playing, eh,” ani Vargas. “It’s just a conference.”

Si Thirdy Ravena, hindi nagpa-draft sa PBA noong December at tinanggap kelan lang ang alok ng San-en NeoPhoenix na maglaro sa Japan B League. Ang kapatid ni Kiefer ang Asian import ng NeoPhoenix.

Isang buong taon ding halos naglalaro ang PBA, may tatlong conference.

Kumpara sa iba na isang tournament lang sa isang taon, kapag natapos ay nabuburo na rin ang talento ng players maliban kung magiging import ulit sa ibang liga.

“They will have to rethink that,” dagdag ni Vargas sa online PSA Forum noong Martes. “Whether they join that conference or join the PBA which is more secured in terms of what they’re doing and closer to home.”

Ang suma ng PBA Board chairman: “Mas may security ka sa PBA.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.