Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA ayaw sa Ravena buyout

0 256

Walang buyout sa PBA, kaya hindi puwedeng matalikuran ni Kiefer Ravena ang existing contract niya sa NLEX.

Hindi rin matatapatan ng Shiga Lakestars ang halaga ng kontrata dahil sa kawalan ng probisyon nito sa PBA. September nang pumirma si Kiefer ng three-year extension sa Road Warriors. June 2, inihayag ng Lakestars na napapirma rin nila ang premier guard.

SM food to go Banner Ad

Kung tatalikuran ni Ravena ang kontrata sa NLEX, posibleng mauwi sa breach of contract. Nagdesisyon ang PBA Board na hindi makakalaro si Kiefer sa Japan B.League dahil may live contract pa siya sa NLEX at sa PBA, nakatali via Uniform Players Contract.

Napag-usapan na rin daw ng Board ang tungkol sa buyout mula sa foreign team. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.