Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA balik bubble – Marcial

0 460

Magkakaroon ng klarong direksiyon ang PBA Season 46 kapag natapos ang Board meeting.

Kung hindi puwede ang Ynares Center sa Antipolo dahil sa restrictions, maghahanap ng liga ng ibang venue na tutugma sa itatakdang special permit ng government agencies.

Puwede ang bubble format tulad ng ginawa noong nakaraang taon sa Clark bubble. Pumalo sa P65M ang ginastos sa loob ng tatlong buwan.

Kung matutuloy sa semi-bubble at scratch ang Ynares, kailangan malapit sa NCR para hindi lupaypay sa biyahe.

“Kasi kung let’s say more than an hour one way ‘yung biyahe, nandu’n ‘yung posibilidad ng aksidente,” katwiran Lunes ni Magnolia coach Chito Victolero habang kasagsagan ang pulong. “Imagine, bumibiyahe ka ng ganu’ng katagal lalo pa galing ka sa talo? Hirap mag-concentrate sa driving nu’n.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay commissioner Willie Marcial, last option ang bubble.

Hindi na puwede ang Clark dahil doon i-ho-host ang FIBA Asia Cup qualifying sa June 16-20.

“Kung hindi na-move back ‘yung (FIBA) window, swak sana tayo ulit sa Clark,” wika ni Marcial. “Pero dahil nga sa nangyari, mapipilitan tayong maghanap ng iba.”

May suhestiyon si Yeng Guiao.

“P’wede siguro sa Subic dahil kalalaro lang doon ng MPBL,” anang NLEX coach. “If not, we can maybe try Batangas or Quezon.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.