Abante Tonite Interactive

PBA break susulitin ni Guiao, Team Pilipinas

By
0 111

Malaking bagay sa Team Pilipinas ang ayuda ng PBA na mag-break para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qua­lifiers.

Ibig sabihin ay magkakaroon ng ilang araw na karagdagang praktis ang Nationals dahil wala silang aasikasuhin sa mga mother teams sa PBA.

Peb. 13 ang huling game ng Philippine Cup – ang double-header sa MOA Arena sa pagitan ng Blackwater at Alaska sa opener, at Magnolia vs. Rain or Shine sa nightcap.

Balik ang hostilidad sa Peb. 27 sa Smart ­Araneta Coliseum.

Plano ni coach Yeng Guiao na mag-ensayo pa ang Nationals kahit nakabalik na ng China si naturalized Andray Blatche.
Sa Peb. 16 lilipad pa-Qatar ang Team Pilipinas bago harapin ang Qataris sa Peb. 21. Ma­kalipas ang tatlong araw ay isusunod naman ang Kazakhs.

“We appreciate that, actually,” ani Guiao sa ayuda ng liga. “Ang ­laking bagay na nu’n sa amin.”
Magsisimula ang ensayo ngayong Lunes, ­aaraw-arawin bago tumulak ng Qatar.

“What I’ll try to do is, from Monday on, we will request that we practice everyday kahit wala na si Andray,” dagdag ni Guiao. “At least ‘yung locals natin, mailayo na natin nang kaunti doon sa kanilang mga sistema sa mo­ther teams nila para maka-focus doon sa mga plays muna ng national team.”