Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA bubble aprub sa IATF

0 112

Tuloy na tuloy na ang restart ng PBA sa bubble sa Clark Economic Zone sa Pampanga.

Huwebes binigyan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ng provisional clearance ang liga na ituloy ang mga larong kinansela noong March 11 dahil sa coronavirus.

Sina BCDA president at National Action Plan Against COVID-19 deputy chief implementer Sec. Vince Dizon at Clark Development Corp. president Noel Manankil ang nagkumpirma ng balita sa PBA.

SM food to go Banner Ad

“Tuloy na tuloy na tayo,” balita ni Commissioner Willie Marcial sa pinatawag na Zoom press conference kahapon ilang oras matapos matanggap ang abiso.

Na-delay lang ng isang araw ang umpisa, sa halip na Oct. 9 tulad ng dating target ay sa October 11 na ang restart.

“The whole Board worked very hard for this, and the Commissioner who’s been very active in pushing the resumption of games,” dagdag ni chairman Ricky Vargas.

Natapos ang swabbing ng players kahapon din, limang araw na iku-quarantine ang mga ito sa kani-kanilang bahay. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.