Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA Bubble ititigil kapag may nasapol ng COVID

0 84

BINIGYAN ng IATF ng go-signal ang PBA na makapag-scrimmage sa Sept. 28, kasunod ang restart ng Philippine Cup sa Oct. 11.

Sina Commissioner Willie Marcial, Board chairman Ricky Vargas, Bases Conversion Development Authority chief Vince Dizon at Clark Development Corp. head Noel Manankil ang nag-anunisyo na tuloy na ang PBA.

Pero may kondisyon ang government agency: provisional ang approval.

Ibig sabihin?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Puwedeng bawiin ng Inter-Agency Task Force anumang oras sakaling magkaroon ng coronavirus outbreak sa Clark Freeport Economic Zone.

Mananatili sa Clark bubble ang PBA hanggang may makoronahan nang kampeon ng all-Filipino sa mid-December.

Ayaw magkompiyansa ni Marcial.

“Kasi para sa akin, wala namang totally safe na lugar, ‘yung zero-COVID,” rason ng PBA chief.

Kung magkakaroon daw ng malaking problema ay ihihinto ang restart at at pag-aaralan kung posible pang ituloy ng January o February. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.