Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pro hoop, Marcial pasado sa IATF

0 269

Mataas na grading ang tinanggap ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble kay Inter-Agency Task Force (IATF) National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon.

Siniwalat ng opisyal ang pasadong grado ng propesyonal na liga na na ginanap nitong October 11-December 9 sa Bubble set up sa Clark, Angeles, Pampanga na rito’y iniuwi ng Barangay Ginebra San Miguel ang kampeonato nang itumba ang TnT sa limang laro.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Conservatively, siguro nasa mga 90 percent ang aking rating,” ani Dizon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum Martes sa taas ang ratings ng all-Pinoy conference sa scale na 1-100. “Ang pinaka-importante ay walang nagkasakit.”

Pinasalamatan din niyaang liga at si Commissioner Willie Marcial sa sesyon na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

“Yung PBA bubble hindi magiging success kung hindi dahil sa tulong at kooperasyon ng PBA leadership sa pamumuno ni Commissioner Willie (Marcial),” panapos ni Dizon, na siya ring president at CEO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.