Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA bubble may season awards

0 325

Igagawad ng Philippine Basketball Association ang tradisyunal na end-of-the-season awards tampok ang Most Valuable Player sa 45th PBA 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

Pero wala munang Best Player of the Conference, ayon kay commissioner Willie Marcial nitong Martes.

Isusumite ni Marcial ang plano sa regular board meeting na ginaganap kada huling linggo ng buwan.

Ang iba pang ipamimigay ay ang Rookie of the Year, Mythical First Team, Mythical Second Team, Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. Sportsmanship Award, Most Improved Player, at All-Defensive Team.

Nangunguna statistical points ng MVP race si Matthew Wright ng Phoenix pagkaraan ng 11-game eliminations. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.