Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH Cup sa Clark

0 38

Nag-desisyon na ang PBA Board, sa Clark Freeport Economic Zone sa Pampanga itatayo ang bubble.

Nagkaisa ang kinatawan ng 12 teams sa meeting Huwebes ng hapon na sa labas ng Metro Manila ilagay ang NBA-style bubble sa restart ng 45th season sa Oct. 9.

Related Posts

“We’re happy to let you know we have made a decision, protocols are in place,” bungad ni chairman Ricky Vargas sa pinatawag na Zoom conference pagkatapos ng meeting.

Hinihintay na lang aniya ang approval ng IATF, inihahanda na rin ng liga ang scrimmages ng teams – five-on-five sa loob ng team lang, bawal ang tuneup.

“We looked at all those interested to host. One that has a more complete offering from safety standpoint, the protocols, nearness to hospitals, ability to control the mental health of our players during their stay in the bubble,” paliwanag ni Vargas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.