Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA bubble sa Dubai ekis na

0 46

Wala na sa pagpipilian ang Dubai, UAE para sa NBA-type bubble playing venue sa restart ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations sa October.

Positibong tumugon ang Middle East country organizers sa balak ng pro league, pero dahil sa kakapusan sa oras tinanggihan ang mabuting intensiyong tulong.

Isinuhestiyon na lang ni Commissioner Willie Marcial sa organizers na mag-host ng All Star Game ng liga sa hinaharap sa Coca Cola Arena na tinanggap naman ng Arab nation.

Sa Oktubre 9 balak ipagpatuloy ang PH Cup na itinigil noong Marso dahil sa Covid-19. Pagpapasyahan pa ng liga ang bubble kung sa loob o labas ng Metro Manila gagawin. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.