Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA bubuksan ‘pag bumaba COVID-19

0 210

May kondisyon ang gobyerno para matuloy ang opening ng 46th season ng PBA.

“Sinabi nila na kailangan bumaba talaga ang ating (COVID-19) cases. Kung hindi bababa, baka hindi tayo maglaro,” pahayag ni commissioner Willie Marcial sa Zoom press conference Huwebes kasama si Ginebra governor Alfrancis Chua.

Sina Marcial at Chua rin ang nagsadya sa Malacanang noong Miyerkoles para makipag-usap kina Sen. Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Pinalawig hanggang May 14 ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

SM food to go Banner Ad

Walang tinukoy na bilang kung ano ang kailangang ibaba ng mga kaso.

Kahapon, nasa 8,276 ang bagong kaso ayon sa datos ng DOH.

Prayoridad pa rin ang anti-COVID vaccine pero kailangan bumaba ang kaso na pumalo na sa 1 million sa pangkalahatan.

“Maski vaccinated na tayo kung hindi bababa ‘yung cases, hindi matutuloy ang PBA,” dagdag ni Marcial. “Kapag bumaba ang cases, meron tayong appeal sa Task Force.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.