Abante Tonite Interactive

PBA ceasefire muna

5

Tigil-putukan muna ng dalawang playdates ang PBA Governors’ Cup ngayong linggo.

Halos karamihan sa star players ng teams sa liga ay pinahiram sa Gilas national teams na may tour of duty sa FIBA Asia Cup at sa Southeast Asian Games, nag-desisyon ang PBA na mag-break muna sa Miyerkules (Aug. 9) at Biyernes (Aug. 11).

Balik ang aksiyon sa Linggo na (Aug. 13) sa double-header tampok ang Rain or Shine kontra KIA, at NLEX versus Meralco.

Sa unang laro sa Smart Araneta Coliseum kagabi, pakitang-gilas agad sa kanyang balik-PBA si Henry Walker nang akayin ang Blackwater sa 92-86 panalo kontra Phoenix.

Inabot ng cramps sa kaliwang paa sa fourth quarter, hindi nagpapigil si Walker sa paglista ng 14 points tungo sa game-high 32 at nilista ng Elite ang unang panalo sa pang-apat na subok sa season-ending conference.

“Going to the last nine minutes of the fourth quarter he was suffering from cramps so he was challenging the locals to take charge,” lahad ni Blackwater coach Leo Isaac sa kanyang import na dating NBA campaigner at naging reinforcement ng NLEX noong isang taon. “Not being able to move properly, he was shouting at his teammates to ‘take the shot’ or ‘play defense.’”

Malaking bagay din ang depensa ni Walker, pu­malit kay original import Trevis Simpson, kaya napigil ang counterpart sa Phoenix na si Eugene Phelps. Bago ang laro ay nag-a-average si Phelps ng 31.25 points, pero nalimitahan sa 13 kagabi at walang naipasok sa dalawang drives sa dulo at hindi naawat ang Fuel Masters sa pagsadsad sa 2-3 slate.