Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA ‘di mapigil ng pandemya

0 264

March 11, 2020, biglaang nagpatawag si Commissioner Willie Marcial ng press conference sa tanggapan ng PBA sa Libis.

Kauumpisa lang ng 45th season, nakakaisang laro pa lang noong opening night ng March 8 – ang 94-78 win ng San Miguel kontra Magnolia sa rematch ng finals ng Philippine Cup din ng nagdaang season.

Babasagin pala ni Marcial ang balita na kakanselahin indefinitely ang all-Filipino at D-League para sa kapanan ng players, staff at fans.

Nagsisimula na noong lumala ang epekto ng coronavirus.

“Kinabukasan, nag-positive sa COVID-19 si Rudy Gobert ng Utah Jazz at sinuspinde rin ni commissioner Adam Silver ang NBA.

March 16, nagsimula ang lockdown sa Manila.

Bawal ang mga laro, bawal lumabas. Isinara ang mga gym.

Nakabalik ang NBA ng July sa Orlando bubble, nakakuha ng model ang PBA at isinulong din ang balik ng mga laro.

October, pinayagan ng IATF na bumalik ang PBA sa Clark bubble, sa ilalim ng mahigpit na health and safety protocols.

Hindi pumutok ang bubble, natapos ang marathon all-Filipino na pinagharian ng Ginebra nang sipain sa limang laro ang TNT noong December.

Isang taon ang nakalipas matapos ang lockdown at kanselasyon ng PBA, nakapormang magbukas ang 46th season sa April 11. Pero dalawang conference na lang sa loob ng 10 buwan – Philippine Cup (4 months) at Governors Cup (6 months). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.