Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA draft may special round

0 127

May special round sa pangalawang sunod na pagkakataon ang 37th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021.

Ipinahayag Huwebes ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) president Alfredo Panlilio na sinang-ayunan ito ng PBA bago ang board meeting nto sa parehong araw para sa Indonesia-Japan-Philippines 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023-bound Gilas Pilipinas.

“That was the agreement. I think every draft now, they will give the SBP a crack at certain players that we want to put in the pool,” wika ng opisyal sa panayam ng Sports Page.

Hinugot ang quintet nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at kambal na magkapatid na sina Matt at Mike Nieto sa extra draft noong December 2019. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.