Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA games may hatid na ginhawa

0 89

Naniniwala si House Deputy Speaker at NorthPort owner Mikee Romero na ang pagbibigay ng go-signal para sa resumption ng PBA, ang best entertainment na maibibigay ng gobyerno sa publiko ngayong may pandemiya.

Ngayong halos lahat nakikipaglaban sa COVID-19 – kaisipan at pinansiyal – hinihimok ng kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang PBA para sa pagbabalik 45th season via bubble concept sa Clark, Pampanga.

“The resumption of the PBA will help the Pilipinos cope with depression and Covid. I am certain it will provide relief,” sambit ng mambabatas. “We need to relax a bit after months of anguish.”

Batid man ang kinakaharap na mabigat na gawain ng pamahalaan upang mapahupa ang pandemya, kumpyansa naman si Rep. Romero, lumaban para national polo team sa 2019 SEA Games, sa loderato ng pro league at sa all-out support ng team owner. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.