Abante Tonite Interactive

PBA: Gins pasado sa acid test

125

Nalusutan ng Ginebra ang pinakamatinding pagsubok sa PBA Governors’ Cup.

Hindi man mataas ang marka, kuntento naman si coach Tim Cone.

“This should be really good for us,” bulalas ni Cone pagkatapos kalusin ng team ang Star 105-101 sa overtime nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Itinagay ng Kings ang pang-anim na sunod na panalo pagkatapos umpisahan ang season-ending conference sa talo. Solo-leader na ang crowd darlings, abot-kamay ang quarterfinals.

Pinaghirapan ng Gin Kings ang panalo, bago ang laro ay nag-average pa sila ng 15.4 winning margin pero hindi basta naipagpag ang Hotshots. Sa katunayan, tanggap ni Cone na puwede pa silang matalo.

“It was not really a well-played game, but we hung around and hung around and basically I felt like we stole it (win) because I felt they outplayed us throughout the game,” aniya.

Pruweba ng dikdikang laro: 28 lead changes at 16 deadlocks.

Pinuri ni Cone si Star coach Chito Victolero sa inilatag na gameplan.

“They really took us out of our rhythm with their pressure, their up-and-down quickness,” paliwanag ni Cone. “They made it tough for us. We were really out of rhythm the whole game and that was their gameplan.”

Muntik pang matalo ang Ginebra sa stripe, sa 40 freebies ay 18 ang sumablay.

Pero sa charity splits nina Justin Brownlee at Joe Devance, nalagay sa unahan ang Gins 103-101 bago ibinalik sa rim ni Japeth Aguilar ang nagmukhang sure basket ni Brownlee 5 seconds na lang sa OT na nagselyo sa panalo.

“It’s back to the drawing boards for us, in free throw shooting, that is,” pahabol ni Cone.