Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA hihirit na ng praktis

0 263

Bago pa bumalik ng practice facilities ang players, naka-plano na ang susunod na hakbang ni PBA commissioner Willie Marcial.

Balak niyang sumulat muli sa Inter-Agency Task Force para humingi ng permiso na magkaroon na ng full contact team scrimmages sa October.

“By the second o third week ng September, susulat na ako,” ani Marcial nitong Lunes. “Sana payagan din tayo.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aminado ang PBA chief na magde-depende pa rin lahat ‘yun sa sitwasyon hinggil sa coronavirus.

“Kung tumataas pa rin ang mga kaso, nandiyan pa rin ‘yung posibilidad na tumaas ulit ang quarantine level,” paliwanag ng commissioner. “Pero kung steady lang ang number, o mas maganda bumaba, malamang payagan tayo. Sana.”

Sumalang na sa mandatory swab testing sa Makati Medical Center ang 9 teams, maliban sa San Miguel Beermen, Magnolia at Ginebra na nauna nang nagpa-test sa pasilidad ng San Miguel Corp. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.