Abante Tonite Interactive

PBA | Jeron, Alaska nagkasundo na

By
Jeron Teng
18

Nagkasundo na sina No. 5 pick overall Jeron Teng at Alaska sa terms na maximum contract para sa rookie, nagkakahalaga ng P150,000 bawat buwan sa unang taon na tataas sa susu­nod na dalawa.

Pero kailangan munang maghintay ang dating La Salle star na makabalik mula US si team manager Dickie­ Bachmann para sila magkapirmahan.

Si Raymar Jose naman ay pumayag sa isang taon na alok ng Blackwater Elite na handa namang i-extend ang kasunduan kung siya ay maglalaro ng maganda.

Si No. 6 pick Ro­bert Herndon, napunta sa Star pagkatapos ipagpalit ng GlobalPort para sa tatlong pla­yers, ay nakapirma na rin sa two-year contract samantalang sina Rey Nambatac ng Rain or Shine, Sidney Onwubere ng Phoenix, Lervin Flores ng GlobalPort, Mark Tallo at Jon Gabriel ng TNT at Jett Manuel ng Ginebra ay nakapirma na rin.

Pagkatapos magkapirmahan, napunta si Onwubere sa KaTropa kapalit si Gabriel sa Phoenix sa isang trade.

Ang mga players na napili mula pangalawang round ng draft na hindi napapirma pagkatapos ng deadline noong Biyernes ay awtomatikong naging roo­kie free agents.